Speckles n Spectrum

back to basics seemingly-banal adventures of an eclectic modern muser...

"Learning from the Past, Hopes for the Future, and a Life's Journey of making the most of what's at hand."

---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Utak talangka
Katawang baboy minsan feeling hipon
Mukhang ewan
Asal walang pinagaralan para lang walang pinagkatandaan
Nakakahiya naman sa hayop na pinagkomparahan.


Pagkatao mong panlabas madasalin
Panloob na sing itim ng uling
Itim ng budhi ay hirap tanggalin
Ano plano mo bang lumisan sa mundong ito na tanging kontribusyon ay paninibugho?




Kaya mong pekein kahit sino pero hindi mo mababago ang reyalidad ng iyong pagkatao...
Balutin mo man sa gara ng dasal at pabango
lalabas din ang totoo...

Akala mo ay tupa ngunit masahol pa sa lagalag na astang santo pero ang kaluluwa ay nakasangla na pala sa impyerno ang galing mo mang asalto.




Sana habang nagsisimba ka ipagdasal mo din kung saan ka patungo lalo at asal mo daig pa ang kriminal ngunit sila ay nagbago... ikaw kelan plano mong buksan ang utak at puso mo?

Pagisipan mo lalo't malapit ka ng makipagtagpo sa manok ni San Pedro.
Sabagay baka matuwa ka na sa wakas baka sakali may tumuka na sa hasang mong puno ng pait dahil sa wala man lang nagpumilit kumapit nung panahong tila ikaw ay sabihin nating marikit kaso ang saklap bakit walang naakit marahil simulat sapul di ka talaga kaibig-ibig dahil sa ugali mong balot ng inggit at pagkatao mong lason sa mababait.

Yung kabataan mong sinayang mo sa mga bagay na makamundo
Ngayon ikaw ay naninibugho sa mga pangarap na sa tingin mo di mo na makakatagpo.




Mundo man ay masalimuot. Magpakatatag ka lang at huwag mapagimbot. 

Buhay ay mas gagaan pag ang puso mo ay mas piniling dumamay kesa pumatay ng mga hangarin at kaligayahan ng ibang nilalang. 

Maki-isa hindi mang-isa ng hindi ka maging paksa ng tulang ginawa para manggisa ng gaya mong mahilig mang-isa. 

Gusto mo bang maiwan na mag isa o sama ka para lahat tayo ay may pag asang magkaisa?







0 Thoughts:

Post a Comment


Spectrum by

Archives

Kristinabiog.blogspot.com BlogWithIntegrity.com
-----------------------------------
Powered by Blogger.