Speckles n Spectrum

back to basics seemingly-banal adventures of an eclectic modern muser...

"Learning from the Past, Hopes for the Future, and a Life's Journey of making the most of what's at hand."

--------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

natuto ako saiyong lumaban
nasanay akong maging matatag sa buhay
makiramdam sa bulong ng hangin
magtampisaw sa buhos ng ulan
(photo credit)
naalala mo pa?
nakilasa ako sa pait ng iyong inumin
nakilanghap sa usok ng iyong paghinga
nakiiyak sa istorya ng nobela
nakitawa sa kababawan ng kalokohan
nakisigaw sa poot na pilit nililimot
nakihanap sa misteryong bumabalot
naalala mo pa ba?
sabay tayong tumikim at sumuka
sabay sumakit ang baga sa ubong di makaya
sabay natuyuan ng luha sa mga problema
sabay nagmanhid ang mga panga sa katatawa
sabay namaos sa pagmumura
sabay naupos sa paniniwala
pero…
bakit hindi mo ngayon masabi
sa akin ang katotohanan
ang katotohanang pilit mong itinatago
sa likod ng iyong katauhan
takot ka na rin ba?
noon sabi mo
wala akong dapat ikatakot
bakit ngayon
bumaliktad ang mundo ng ikot
isa na rin ba ako
sa mga taong iba sayo
sa tingin mo’y manghuhusga,
mandudura at magsasawa sa labo ng utak mo
magbabago ng dahil lang sa pagkakamali mo
bibitaw dahil lang iba ang paniniwala mo
nalampasan na natin ito
kailangan bang ulit-ulitin ko
iba ako sa mga taong nakilala mo
simple, wala mang kuwenta pero totoo
sasabayan ka anuman ang mundo mo
magmukha man akong ‘tadong gago
ano kaibigan ko
kumusta na ang buhay mo
totoo ba ang ngiti sa labi mo
bakit iba ang sinasabi ng mata mo?


3 Thoughts:

should be a nice poem... too bad i can't read :P

@jamiey writes you can try use the translate at the bottom of my blog and choose your preferred language. It might not be too exact on the translation but it will help you understand the poem :)

Btw thanks for visiting my blog :)

should be a nice poem... too bad i can't read :P

Post a Comment

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...
Instagram

Specktrumists

-----------------------------------
Powered by Blogger.