Speckles n Spectrum

back to basics seemingly-banal adventures of an eclectic modern muser...

"Learning from the Past, Hopes for the Future, and a Life's Journey of making the most of what's at hand."

--------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

ang totoo

(photo credit)
gusto kong malaman ang totoo

ano kayang totoo

sa hindi totoo

sino kaya ang totoo

sino kaya ang hindi totoo

ano kayang paniniwalaan ko

yong totoo o yong hindi totoo

ano bang gusto mong isipin ko

yong kasinungalingang ginagawang totoo

o iyong totoong sa kasinungalingan ibinabato

ang totoo

magulo ang totoo

dahil maraming kasinungalingang nababalot sa totoo

at mga katotohanan namang balot sa panloloko

ang totoo

marunong na akong magpakatotoo

dati na akong totoo

hindi mo lang matanggap ang totoo

kasi hindi tungkol sayo ang totoo

ang totoo

inakala kong ikaw ang totoo

pero ang totoo nalaman ko

ang totoo

nagkamali ako

ng akalain ko na ikaw ang totoo

ang totoo

isa lang ang mahal ko

isa pa lang ang minahal ko

ang imahe na pinaaalala mo

ang totoo

kasalanan ko

nakita ko sayo ang larawan

ng nag-iisang asawa ng nanay ko...

kaya alam ko naglolokohan lang tayo.



0 Thoughts:

Post a Comment

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...
Instagram

Specktrumists

-----------------------------------
Powered by Blogger.