Speckles n Spectrum

back to basics seemingly-banal adventures of an eclectic modern muser...

"Learning from the Past, Hopes for the Future, and a Life's Journey of making the most of what's at hand."

--------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

takot

(photo credit)
ano yan?

wala ako niyan

bakit ako matatakot?

ano ba ang dapat katakutan?

wala naman di ba?

ayoko lang masaktan

ayokong lumuha dahil wala na akong iluluha

sobra kasi akong lumuha

ayokong magmukhang tanga

dahil dati na akong tanga

matagal ng nagpapakatanga

ayoko ng magmahal

dahil wala namang magmamahal

pero habambuhay pa ring nagmamahal

ayoko ng mangarap

dahil wala namang patutunguhan

araw araw kung pangarap

ayoko ng magsalita

dahil wala namang nakikinig

minu-minuto kong ibinubulong

ayoko ng makialam

dahil lahat naman walang pakialam

walang oras na hindi nakikiramdam

ayoko

dahil takot ako

takot pala ako

takot ako sa mundo

takot ako sa kanila

takot ako saiyo

hindi

takot ako sa sarili ko!




0 Thoughts:

Post a Comment

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...
Instagram

Specktrumists

-----------------------------------
Powered by Blogger.