Speckles n Spectrum

back to basics seemingly-banal adventures of an eclectic modern muser...

"Learning from the Past, Hopes for the Future, and a Life's Journey of making the most of what's at hand."

--------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

ako

si ako

ako ay ako

magulo ako

magulo utak ko

magulo buhay ko

magulo ako


ako

si ako

ako ay ako

sira ako

sira ulo ako

sira ang buhay ko

sira ako


ako

si ako

ako ay ako

walang kuwenta ako

walang kuwenta isip ko

walang kuwenta buhay ko

walang kuwenta ako


ako

si ako

ako ay ako

sinira ko na ako

sinisira ko ang ako

sirang sira na ako

sisirain mo din ba ako?


ako

si ako

ako ay ako

ngayon mo sabihing gusto mo ang ako

sa’yo unang hahagalpak ng tawa ay ako

sino bang gusto ng ako

ako, ayoko ng ako


ako

si ako

ako ay ako

sabi ng hindi ako

mahalin ko daw ang ako

sabi ng ako

teka, pag-iisipan ko…


0 Thoughts:

Post a Comment

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...
Instagram

Specktrumists

-----------------------------------
Powered by Blogger.