Speckles n Spectrum

back to basics seemingly-banal adventures of an eclectic modern muser...

"Learning from the Past, Hopes for the Future, and a Life's Journey of making the most of what's at hand."

---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

 



Nakakalumo na sa panahon ng teknolohiya at progresibong pagiisip ay may mga pangyayaring ganito sa Pilipinas. Alam nyo ba na nung sinaunang panahon wala pa masyadong pananalikisik, pagaaral at mga unibersididad na nagtuturo nang maayos na pamamaraan sa paggawa nang mga imprastraktura nakapagtataka na ang mga gusali or imprastrakturang itinayo ng ating mga ninuno sobrang tibay na halos karamihan magpahanggang sa ngayon ay nasasaksihan pa natin at nagagamit? Kaya nakakatwa na sa taong 2026 kung saan kumpleto na tayo sa kagamitan at kaalaman may mga gusaling itinatayo pa lang ay gumuguho na katulad nang pangyayari sa Angeles, Pampanga. Kung susumahin natin anong mga pangyayari sa likod neto? Wala bang magtatanong o magiimbestiga sa kadahilanan nang paguho ng gusaling to habang nasa proseso pa nang pagbubuo? Sino yung Contractor at Engineer ng project? Asan yung Architect? Sino sino yung nagapprove ng plano at bakit naapprove ang plano kung defective naman pala ito? Kung walang problema sa design at plano anong cause nang pagguho? San ba yung kamalian sa planning at design ba o sa application? Sino sino dapat managot, may mananagot ba o maisasantabi na naman ito at hahayaan na lang lumipas na wala ni isa man ang pananagutin? As usual ganun tayo dito sa Pilipinas, hindi pa ba tayo nasanay sa bulok na sistema nang lintek na gobyernong ito na puro buwaya ang nakaluklok?

On a lighter note, makikita nating lahat kung gaano kaepektibo ang pamamalakad sa Pasig at nakuha pa nilang magpadala nang tulong sa Angeles. Katulad nang pagbibigay nila nang ilang milyong ayuda din sa nga nasalanta sa nagdaang bagyo sa Cebu. Ngunit sana hindi diyan nagtatapos ang usaping ito dahil malalim marahil ang pinaguugatan ng paguho na naging kadahilanan nang pagkawala nang buhay ng mga inosenteng tao dahil sa isang trahedya na hindi na naman matukoy ang puno't dulo. Minsan nakakapagod na dapat bang magmaang maangan na lang o patuloy pang lumaban? Hindi na nakakatuwa ito. Pilipinas bakit ang hirap mong ipaglaban?






Spectrum by

Archives

Kristinabiog.blogspot.com BLOG WITH INTEGRITY!
Powered by Blogger.